Archive for July, 2002


Published July 11th, 2002

CyberSenti

Kailan ka unang nag-online? Paano ka nagkaroon ng e-mail address? Hotmail ba o Yahoo? O baka naman Tinig.com e-mail? Natatandaan mo pa ba ang pinakaunang e-mail address mo? O ‘di ka pa nagbabago? Sa kagaya kong naka-isandaang palit na yata ng e-mail address, nakaka-senti ang pagbisita sa inbox ng aking pinakauna.

Nagsu-surf pa ako noon sa SesiNet internet cafe sa Philcoa, sa bukana ng UP Diliman campus. Madalas ko pa ngang puntahan noon ang www.clairedanes.com. Nang minsang nagsa-sign up sa isang ‘di ko na matandaang online service, bad trip ako dahil wala akong e-mail address. Syempre, matulungin ang mga taga-SesiNet. Wala pa raw ba akong e-mail address? Wala pa kako. Siyempre’y iniisip ko pa noon na may bayad ang pagkakaroon nito, o mahabang proseso. (more…)

Published July 6th, 2002

Dapat Idaan sa Kongreso ang RP-US MLSA

Nasa mga pahayagan ngayon ang sinabi kahapon ni Pangalawang Pangulong Guingona kung saan sinabi niyang dapat idaan sa Kongreso ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA).
(more…)

Published July 6th, 2002

Bahasa Maynila

Ah, hindi iyan ang bagong pangalan ng pambansang wika. Hindi rin iyan bagong wikang pantapat ng Pilipinas sa Bahasa ng Malaysia at Indonesia. Iyan ay isang description ng kalagayan ng Kamaynilaan ngayon: baha sa Maynila!
(more…)

Published July 4th, 2002

Tito (Guingona) vs Uncle (Sam)

Vice President Teofisto GuingonaNakakalungkot itong ang sitwasyong pulitikal sa Pilipinas. Tingnan na lang ang nangyayari sa Executive Branch ng ating gubyerno. Itong ating Pangulo, sobra ang pagkarahuyo kay Uncle Sam ngunit ang Pangalawang Pangulo, si Teofisto Guingona na walang dudang tunay na makabayan, ay maingat at may reserbasyon sa pakikipag-ugnay sa Kano. Resulta? Sinipa sa pwesto niya bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ang ating bida na ngayo’y nagdiriwang ng kanyang ika-74 na kaarawan. Tsk tsk tsk. Ang pag-ibig nga naman, hahamakin lahat, masunod ka lamang! God bless America and her Gloria!

Kay Pangalawang Pangulong Guingona, huwag pong mag-alala. Ang inyong pagmamahal sa bayan at pagsisikap na protektahan ang ating soberanya ay maitatala at hindi malilimutan–hindi kayo pagtataksilan ng kasaysayan.