Archive for October, 2002


Published October 4th, 2002

Abu Sayyaf Reviving Its Ideology?

Sa isang analysis na inilabas ng Strategic Forecasting, mukhang nagbabagong anyo raw ang Abu Sayyaf Group–tila muli raw nitong niyayakap ang orihinal na simulain nito bilang isang ideological militant organization upang makaakit ng mga bagong kasapi at makasulong sa kanilang mga atake sa katimugang Pilipinas. Tinukoy ng Stratfor ang pambobomba kamakalawa sa lunsod ng Zamboanga na pumatay sa isang sundalong Amerikano at dalawang sibilyang Pilipino bilang basehan ng ganitong pagsusuri. Naganap ang pambobomba matapos manawagan ang lider ng Abu Sayyaf, si Khadaffy Janjalani, sa “lahat ng mga naniniwala sa pagiging iisa ni Allah” na atakehin ang mga lokal at dayuhang kaaway ng Islam.

Mula sa pagiging ideological group na naglalayong magtatag ng isang pure Islamic state sa Mindanao, naging mumunting grupo ng mga bandidong kidnapper ang Abu Sayyaf, at sa huli’y tinawag na terorista ng diyus-diyosan ng mundo, ang United States. Mula sa pagiging terorista, makababangon ba ang “Bearers of the Sword” upang muling maging tunay na armadong pulitikal na kilusan?

Published October 4th, 2002

Lost and Found

Magandang balita: Pinalaya na kagabi ang dalawang mamamahayag na binihag ng mga rebeldeng Moro sa loob ng anim na araw. Ayon sa pahayag ng GMA-7, walang ransom na binayaran sa pagpapalaya kina Carlo at Gilbert.

Published October 3rd, 2002

Still Missing

Photo from http://dot.com.ph/publicaccessHanggang ngayo’y wala pa ring naririnig mula kina Carlo Lorenzo, reporter ng GMA-7, at sa kasamang cameraman na si Gilbert Ordiales. Ang dalawa’y hinihinalang kinidnap matapos tangkaing kapanayamin noong Sabado ang mga rebeldeng Moro sa Indanan, Sulu.
(more…)