Archive for October, 2003


Published October 22nd, 2003

Friendster Addict

Whenever Mhay and I are online these days, we spend a lot of time in Friendster–probably the biggest thing to hit the World Wide Web lately. Its original concept as a dating service has changed. It has even probably overtaken Alumni.net, which was supposed to be useful in finding former classmates. With Friendster, you’d find not just old friends in school–you’d even get reconnected with former crushes, girlfriends or boyfriends, and even childhood best friends.

Hmm, do I sound like I’m doing a Friendster testimonial? Mhay felt that way yesterday when we were convincing our friend Barn to join.

I now have 81 contacts in my Friendster list: most of them my cyberfriends; a number of them my real-life friends, colleagues, and former classmates; my favorite celebrities; and some friendly strangers.
(more…)

Published October 19th, 2003

Kay Mhay

(Mula sa Peyups.com)

Mahal, nais ko sanang lumikha ng tula para sa iyong kaarawan. Ngunit sa tulad kong hindi isang likas na makata, mailap ang anyong ito ng panitik.

Hindi ko batid kung paaano ibuburda sa mga salita at bubudburan ng tugma ang aking damdamin para sa iyo, o kung paano lalapatan ng sukat ang bawat tibok ng aking puso.

Basahin

Published October 19th, 2003

Umalis na ang Agila

Di ko maiwasang mapasigaw ng “Putang ina” kahapon habang at pagkatapos magsalita ng puting diyos sa harap ng Kongreso.

Sa pagkamangha sa mga nangyayari ay nalimutan nilang lahat–ng karamihan sa mga kinatawan at senador, dahil sa pagbisita ng kanilang diyos; at ni Bush, dahil sa pagdakilang tinatamo mula sa kanyang mga tagasunod–na ilang dekada na ang nakalilipas ay muli nating “nabawi” ang ating kalayaan (o kahit papaano, ganito ang nasulat sa mga aklat ng kasaysayan).
(more…)

Published October 17th, 2003

Kay Mhay

Mahal, nais ko sanang lumikha ng tula para sa iyong kaarawan. Ngunit sa tulad kong hindi isang likas na makata, mailap ang anyong ito ng panitik.

Hindi ko batid kung paaano ibuburda sa mga salita at bubudburan ng tugma ang aking damdamin para sa iyo, o kung paano lalapatan ng sukat ang bawat tibok ng aking puso. Hindi ko maikukulong sa mga saknong ang mga alaala ng bawat pagkakataong ginugugol natin sa piling ng isa’t isa. Hindi ko maisasalarawan nang nakakubli ang kahulugan ang ating mga palitan at bahaginan ng mga saloobin, pangarap, at pangamba. Hindi ko kayang isatitik sa mabulaklak na panitik ang kilig na dulot ng iyong tinig at ang kiliting dala ng iyong mga titig at dampi. Hindi ko rin maihahanay sa patulang sulat maging ang mga kaisipang makabayan na kapwa natin niyayakap.

Ang natitiyak ko lamang, ikaw ang mapagmahal na lakambining nagpapasigla sa aking payak na panulat, ang marikit na musang kasuyo at katuwang sa pangangarap, ang nagbibigay pag-asang kasama sa pagsaksi sa kadakilaan ng mga obra ni Bathala.

?Yun nga lamang, matulain man ang ating pag-ibig, ayaw kitang alayan ng tulang pilit.

http://www.peyups.com/article.khtml?sid=2958