Archive for September, 2004


Published September 11th, 2004

Walang sisihan

Sa “tenga” ng Inquirer ngayong araw: “Palace appeals: Don’t blame GMA for hard times”.

Oo nga naman. Bakit si Ate Glo na lang ang laging sinisisi? Wala namang ganyanan! Tao lang po.

Hehehe.

Published September 9th, 2004

Conjunctivitis

‘Yan ang ginamit kong title dahil baka may usiserong makisilip at mapalayas pa ako rito sa Internet cafe na pinagsu-surf-an ko ngayon. Ikaw ba naman ang may katabing naka-shades sa isang may kadilimang silid na puno ng computers at makita mo ang taong ito na nagbabasa o nagsusulat ng tungkol sa sore eyes, kung hindi ka mapapatakbo palabas ng cafe.

Ilang araw na akong nagsi-self exile sa isang lugar sa dulo ng Kamaynilaan dahil ayokong magkalat ng virus o bacteria, kung anuman ito. Pero dahil di makatiis nang hindi nagche-check ng Gmail at kung anu-ano pa, eto na naman ako. (more…)

Published September 4th, 2004

U-nibersidad!

Mula sa post ko sa Peyups.com Forums:

Tumitindi ang laban. Unang naka-score ang Maroons pero natambakan tayo sa 1st quarter. Tumindi ang depensa natin at nakahabol sa 2nd quarter. 26 tayo, 21 sila sa pagtatapos ng 1st half ng laro. (more…)

Published September 3rd, 2004

Laban, UP Fighting Maroons!

Photo by Karl de Leon from Mimi Abesamis' album at photo.ph” Hinihintay ko ang bawat laro ng koponan nating naghihingalo…”

Ganyan ang linya namin noong nasa kolehiyo pa lang kami. Paano kasi’y laging kawawa noon ang basketball team ng UP Naming Mahal.

Hah, hindi na ngayon! Mabalasik nang lumalaban ang UP Fighting Maroons ngayon.

Kahapon nga, sa office, sobrang na-excite kami sa laban ng Maroons at Blue Eagles. Nakakanerbyos! Pero sa bandang huli, nangibabaw tayong mga taga-Peyups. (more…)