Archive for May, 2005


Published May 14th, 2005

Salamat sa Pinoyblog

‘Di ko kaagad nalaman na napasali pala ako sa featured blogs ng PinoyBlog nong isang linggo. Napansin ko lang noong Lunes o Martes na marami sa referrals ko ay galing doon. Napili pala ang ederic@cyberspace bilang Blog of the Week. Salamat sa mga cyberfriends ko sa PinoyBlog. (more…)

Published May 13th, 2005

Blog ni Lakambini

Sa pinakauna niyang entry sa Life in Autumn, ipinost ni Mhay ang kanyang tulang nalathala noon sa Philippine Graphic, kasama ang salin ng kaibigan naming si Remir. Narito ang bahagi ng tula at ng isinaling bersyon:

I feel the need to write
with my head
I feel the need to catch
the words that come flying
across the wind
before they leave me
for another drifter

(more…)

Published May 11th, 2005

Pagkalipas ng isang taon

Isang taon at isang araw matapos ang halalang pampanguluhan
sa gitna ng napakainit na panahon at nagbabagang mga balita–
27 namatay sa aksidente sa bus sa Benguet;
Peryodista sa Aurora pinatahimik;
Sa bagong VAT: may makukulimbat?
Ang Kiukok at Romy Diaz namayapa na–
may makulit lang akong tanong:
Ipinagmamalaki mo pa rin ba ang ginawa mong desisyon
noong nakalipas na eleksyon?

Published May 8th, 2005

Motorcycle Diaries

May post sa Alaeh.net si Jun tungkol sa Motorcycle Diaries, isang pelikula tungkol kay Ernesto “Che” Guevara na pinagbibidahan ng mahusay na Mehikanong artistang si Gael Garcia Bernal. Ayon kay Jun, ang Motorcycle Diaries ay “istorya ng isang paglalayag” na makapagbibigay-linaw “kung ano ang tunay na intensyon ng tao at ng mundo para sa’yo.”

Ilang beses na rin naming napanood ang Motorcyle Diaries. At sumasang-ayon ako kay Jun na ito ay tungkol sa paglalakbay at pagtuklas, tungkol sa pagtupad ng pangarap at paghahahap ng direksyon sa buhay. Sa kaso ng magkaibigang Ernesto Guevara at Alberto Granado, kapwa nila natagpuan ang kanilang nais gawin sa buhay na ito: ang maglingkod sa sangkatauhan sa magkaibang paraan. Si Che sa pagsusulong ng pagbabago sa Timog Amerika at si Alberto sa landas ng medisina. (more…)