Archive for October, 2006


Published October 8th, 2006

Dan Campilan, 25

Dan Campilan sa Newsroom | Photo courtesy of Ahd MarcoDan Campilan, 25, Kapuso, passed away last Saturday, October 7, 2006 after his car collided with a passenger bus in Quezon City. His brief but meaningful life will always serve as an inspiration.

Si Danifel M. Campilan, katrabaho, Kapuso, kasama.

Kahit di kami laging nagkakausap sa opisina, dati’y kinukulit-kulit ko si Dan–pati ang iba pang mga reporter–na magpasa na ng kanyang profile para sa website ng aming kumpanya. Hinikayat ko rin siyang sumagot sa mga mensahe ng kanyang mga tagahanga sa Kapuso forums, na masigla naman niyang ginawa.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas ay kausap ko siya at ang isa pa naming katrabaho. Iyon ang mga oras na relaxed na ang karamihan sa amin matapos ang isang araw ng pangangalap at paghahatid ng balita–yung panahong patapos na ang aming evening newscast. Ang paksa ng maikling umpukan namin ni Dan: ang katigasan ng ulo ng aming mga buhok na mahirap mapasunod. “Mas malala” raw ‘yung sa akin, ‘ika niya. (more…)

Published October 2nd, 2006

UST, panalo sa UAAP!

Napanood namin sa TV ang huling bahagi ng laban ng Ateneo de Manila University at University of Santo Tomas sa UAAP kani-kanina lang. Sa Ateneo ako kumampi. Pero ang naging resulta ng laban na nag-flash sa TV screen pagkatapos ng 76-74 game: “UST wins first UAAP title in 10 years!”