Archive for November, 2006


Published November 26th, 2006

Mula sa Beta Lambda Kappa

Matagal ko nang nakuha ito, pero ngayon ko lang nai-post. Galing ito ang mga liham at pahayag sa ibaba sa blog ni athame. Ang hiling niya, basahin at ipasa. Eto, pakibasa po:

Magandang araw po.

Ako ay sumusulat para sa kapatirang Beta Lambda Kappa o BLK.

Ang BLK po ay isang university-based sorority sa UP Diliman na may feminist na pananaw at adhikain. Kami ay isang grupo ng kababaihan na nagnanais isulong ang karapatang pantao, partikular ang karapatan ng mga babae, simula sa pagbukas ng isipan namin at ng ibang tao. (more…)

Published November 24th, 2006

Max Soliven, 77

Pumanaw kaninang umaga si Maximo Soliven, chairman, publisher, at columnist ng Philippine Star, dahil sa kumplikasyon sa sakit na pneumonia.

Mahigit 50 taon siyang peryodista. Sa edad na 27, si Soliven ay publisher at editor na ng The Evening News, na namayagpag noong 1960s. Naging founding editor din siya ng Philippine Inquirer. Nang humiwalay sila nina Betty Go-Belmonte sa Inquirer, itinatag nila ang Philippine Star.

Nausap ko nang personal si Max Soliven noong incoming freshman ako sa UP. Isa siya sa mga naging judges na pumili sa aming lima nina Bing, Helen, John Ray, at isa pang taga-UP MassComm para maging scholar ng UP-Jardine Davies Scholarship program.

Published November 24th, 2006

Salubong kay Pacman

Habang kasalukuyan kong hinihila pabangon ang sarili, di na magkamayaw sa excitement ang mga taga-Maynila. Ngayon kasi ang dating ni Manny Pacquiao, ang pambansang kamao. Isang misa ng pasasalamat ang gaganapin mamaya sa Quiapo Church, ayon sa balita. May motorcade rin daw.

Samantala, kailangan ko na talagang bumangon.

Published November 23rd, 2006

Boykot sa UP

May pambansang boykot sa lahat ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas ngayong araw na ito bilang protesta sa panukalang 250% na pagtaas ng matrikula. Sa UP Diliman, magkakaroon naman ng road vandalism sa academic oval mamayang ika-2 ng hapon.

Patuloy kayang lalaban ang mga iskolar ng bayan?