Archive for June, 2007


Published June 19th, 2007

Bagong PBB top 4 ko

Pagkatapos ng mga pangyayari sa Pinoy Big Brother nitong mga nakalipas na linggo, at dahil wala na si Dionne sa PBB, eto na ang bagong top 4 bets ko:

Mickey

Bea Geann Buddy

Opps, aso nga pala si Buddy. Sige si Nel na lang!

***

By the way, happy birthday, Jose. Kahit nanonood kami ng PBB sa halip na pagkuwentuhan ang iyong mga paglalakbay sa Europa at pagpaslang sa ‘yo sa Luneta, di ka pa namin nalilimutan!

Published June 15th, 2007

Senador Trillanes

Senador Trillanes.

Naninibago ka? Masanay ka na. Senador na si Kuya Sonny, ang matapang na batang Oakwood. Narito ang report ng GMA-7:


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
(more…)

Published June 14th, 2007

Beach tayo!

Sa Poctoy White Beach, Torrijos, Marinduque. Pumunta kami roon earlier this week.

Published June 1st, 2007

Palm Foleo

Eto ang inabangan ko sa Web noong isang gabi: ang pinakabagong produkto ng Palm, Inc.: ang Palm Foleo. Mobile companion ang tawag sa bagong gadget na ito. Pam-partner kasi ito sa Palm Treo phones. Maaari mong i-sync sa Foleo ang e-mail at documents na nasa telepono mo. Puwede mo ring gamitin ang Internet connection ng Treo o ibang smartphone para makapag-surf sa Web. Ayon sa mga ulat, 256MB pa lamang ang internal memory nito, pero expandable dahil may SD/MMC slot.

Gusto kong magkaroon nito kahit wala pa akong Treo. Ang maganda kasi sa Foleo, standalone rin ito. Ibig sabihin, kahit wala kang Treo, magagamit mo rin ang Ultra Mobile PC o UMPC na ito sa pagsusulat ng documents, panonood ng mga litrato, at pagsu-surf sa Web gamit ang Wi-Fi connection sa mga hotspots. (more…)