Archive for July, 2007


Published July 23rd, 2007

Barako

Natanggap ko mula kay Manolito Castillo Sulit, isang Pilipinong makata at community organizer, at at manunulat, direktor at prodyuser ng indie film na Barako:

Paanyaya

Sa Martes, Hulyo 24, ganap na 9:00 ng gabi, sa Tanghalang Manuel Conde ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, matutunghayan sa kauna-unahang pagkakataon ang pelikulang Barako, bahagi ng mga eksibisyon sa ginaganap na Cinemalaya Independent Film Festival.

Oppss! Paalala lang po—hindi ito gaya ng iniisip ninyo. Sa Batangas, madaling intindihin ang ibig sabihin ng “barako”. Ang “tapang” agad ang una naming naiisip, at hindi ang kung ano.

Sama-sama nating muling tuklasin ang tapang na sinasabi ko. Tumatalakay ang pelikula sa post-kolonyal nating realidad sandaang taon mula nang matalo tayo sa Digmaang Filipino-Amerikano. (more…)

Published July 23rd, 2007

Angel Locsin

Lilipat na pala si Angel Locsin mula sa GMA-7 patungong ABS-CBN.

Isa ako sa mga sumubaybay sa Mulawin at Darna na pinagbidahan ni Angel sa Kapuso Network, ang istasyong nagpasikat sa kanya.

Malungkot ang mga ganitong balita ng hiwalayan at iwanan. (more…)

Published July 22nd, 2007

Opisyal na Proudly Pinoy Logo

Proudly Pinoy Logo Ito ang nanalong lahok sa patimpalak ng ProudlyPinoy.org para sa isang logo na maaaring gamitin ng sinumang Pilipino sa World Wide Web upang maipagmalaki ang kanyang pagiging Pilipino.

Ang logo ay likha ni Joe Talisic ng lalawigan ng Cebu. Isa siyang OFW na nagtatrabaho sa Qatar at nakabakasyon ngayon sa Pilipinas.

(more…)

Published July 21st, 2007

Cybersenti (2)

Kagabi, pagkauwi namin galing Trinoma ay may natanggap akong text mula kay Karla. Siya at si Rick daw ay nasa isang kainan na malapit lang sa amin. Pinuntahan ko sila, at nalaman kong kasama pala nila sina Andrei at Bob. Hindi na ako nakikain, pero sa ilang minutong itinambay ko kasama sila ay napag-usapan namin ang mga lumang blogs, mga dating kachokaran sa Internet, at iba pa. Naikuwento ko rin kay Andrei na lately ay nagsusulputan ang Peyups.com cyberfriends ko.

Pag-uwi ko sa bahay, muli kong binalikan ang ihinahanda kong lahok sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007 ng Digital Filipino. Sa kaka-click, napadpad ako sa timeline of Philippine blogs ng Philippine Internet Review, na gaya ng Digital Filipino ay proyekto rin ni Janette Toral. Eh, wala sa listahan ang blog ko. Bago ko hilinging maidagdag ito, naisip kong balikan muna ang kasaysayan ng aking personal blog at i-upload ang mga lumang files nito na nasa PC ko. (more…)