Archive for July, 2007


Published July 19th, 2007

Google Checkout already available in RP

Google CheckoutLooks like this isn’t a breaking news, but I decided to to write about it anyway.

When Google Checkout–Google’s payment processor–was first offered to Internet users, it was available only to those with a United States billing address. I was able to register using my Citibank Visa and an imaginary US address, which I fixed as soon as I was able to login.

Since I was able to register, I became a Checkout member member with a saling-pusa (tag along) status because I was using a Philippine issued credit card and a Philippine billing address. I tried ordering books and CDs from various sites–including Buy.com–and was surprised to find out that my Google Chekout account was actually working. There’s a twist, however, because while Checkout processed my order, I was told that the store does not ship to the Philippines. (more…)

Published July 18th, 2007

May load ka pa ba?

Noong isang buwan, nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Karla ng Pinoycentric.com para sa isang tanghalian ng mga blogger sa Shangri-La Hotel sa Makati. Syempre, kahit jologs ako at takot sa mga kubyertos sa mga hotel, pumunta pa rin ako para makadaupang-palad ang iba pang mga blogger.

Pagdating ko sa pagtitipon, nakilala ko sina Aryty.com CEO Nils Johnson at Creative Director Daniel Neumann. Mula sa New York, sinadya nila ang Pilipinas at nakipag-EB sa ilang bloggers upang ipakilala ang kanilang kumpanya.

Natuwa rin ako’t ilan sa mga kaibigan kong bloggers ang mga naroon sa kita-kits na ‘yun. Nakadalo si sina Markku, Aileen, Sasha, Gail, Mike, Jayvee, Ajay, J. Angelo at Caren, at Venorica.


Ako kasama sina Daniel, Aileen, Markku at Karla. (Ang larawan ay ninenok ko sa Multiply ni Sasha)

Sa pakikipag-usap ko kina Nils at Daniel, natuwa ako nang maramdaman kong ang interes nila sa Pilipinas ay di lamang dahil sa negosyo nila. Mukhang nagigiliw sila sa mga Pilipino, at si Nils ay nag-aaral pang mag-Filipino. Sinusubukan nila ang mga pagkaing Pilipino, at di gaya ng ibang balahurang Kano, di nila pinagtatawanan o ininsulto ang Jollibee. Kilala nila si Weng-weng, at nanonood daw sila ng Chika Minute sa Internet. Gusto nilang lakbayin ang Pilipinas. Pinag-usapan pa nga namin nina Daniel ang tarsier. (more…)

Published July 17th, 2007

Sa ikalawang araw…

Sa ikalawang araw ng pagtitipong pinangunahan ng Kataastaasang Hukuman upang maghanap ng paraan upang matigil ang pagpatay sa mga aktibista at peryodista…

… “Lider ng militante pinatay sa Tacloban“!

Published July 16th, 2007

Summit on extrajudicial killings

Inumpisahan na ngayong araw ang “National Consultative Summit on Extrajudicial Killings and Forced Disappearances: Searching for Solutions” na pinangungunahan ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas.

Para sa mga kaganapan sa dalawang araw na summit, narito ang report ng GMANews.tv (more…)