Para sa Blog Action Week ng Bloggers’ Kapihan, narito ang aking ambag. Pinaiksi at inayos na bersyon ito ng “Liham ng Tagumpay” na unang nalathala sa Mga Kuwentong People Power 2 section ng Tinig.com.
Sana makadalo kayo mamaya sa Bloggers’ Kapihan 3.0: Bloggers remember People Power 2 kasama si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at iba pang personalidad ng People Power 2. Gaganapin ito 2 to 5 pm sa Kape Tasyo (Freedom Bar) na nasa at 2/F Anonas Commercial Complex, #3 Anonas St., Project 3, Quezon City. I-text lamang ako sa 09173864686 kung may mga tanong kayo.
Enero 16, 2001, Martes
Galing ako sa isang meeting sa Makati noong gabing nagsimula ang EDSA People Power 2. Nasa meeting pa lang ako ay nagsimula nang magdatingan ang text messages tungkol sa labing-isang pangit. May magmumura — akala ko nga galit sa akin yung officemate ko na naunang nag-text–may nanggagalaiti, at kung anu-ano pa. Yung isang natanggap ko: “Remember the names of these senators; they betrayed the Filipino people: [name of the ugly senators].” That time medyo alumpihit na ako but since nasa meeting nga, wala akong magawa.
Later, nagtawag ako at nakibalita. Pero basically, naintindihan ko na na yun nga, hindi pinabuksan ang second envelope. Samantala, tuluy-tuloy ang mga text sa aking cellphone. Noise barrage raw ng 11pm at rally kinabukasan sa Senate. 11pm na, nasa bus pa ako; medyo nag-umpisa nang magkaingay ang mga sasakyan sa labas. Ako, gusto kong magwala sa loob pero siyempre nakakahiya kung para akong baliw na magsisigaw nang bigla. Nagtaka lang ako dahil kahit lagpas ng 11, tuluy-tuloy pa rin ang mga busina. Kahit magtu-twelve na ay may bumubusina pa.
(more…)