Archive for April, 2008


Published April 29th, 2008

Web 2.0 at iblog 4 sa News on Q

Speaking of the Internet, ipinalabas kagabi ang bagong tech segment ni Michael Josh Villanueva a.k.a Cyberprince, tech guy ng News on Q. Dati ay may sikat na podcast si Josh, ang Hot Interesting Topics (HIT). Sa unang labas ng bagong segment ay ipinaliwanag niya ang Web 2.0. Itinampok dito ang panayam sa ilang bloggers na dumalo sa iblog 4.0, na dinaluhan din namin noong Sabado. Abangan ninyo ang mga susunod na labas ng segment na ito sa News on Q, which airs weeknights, 9:30pm, on QTV-11.

Mhay, Ederic and Josh at iblog 4Nakapagsimula na ang iblog nang dumating kami ni Mhay (na nag-liveblog) sa UP College of Law Auditorium. Napakinggan namin sina Karlo Licudine (student to problogger), Juned Sunido (photoblogging), at Jonas Diego (web comics). Kinailangan naming umalis nang maaga upang mamili ng mga gamit sa apartment.

(more…)

Published April 24th, 2008

Asteeg ang Internet

Kakatapos ko lang makipag-chat gamit ang pinakabagong feature ng Facebook kay Ate Dory, pinsang buo ng Mama ko na sa United Kingdom na naninirahan.

Hindi pa kami nagkita kahit kailan. Kahit sila ng Mama ko, di rin nagkakilala masyado dahil ang isa’y sa Marinduque lumaki, at ang isa ay sa Mindoro. Pero sabi ko nga sa kanya, lagi siyang nababanggit sa mga kuwento sa bahay, lalo na kapag tungkol sa mga nasa kamag-anak na nasa abroad ang usapan. So kahit di kami magkakilala talaga, parang kilala ko siya.

(more…)

Published April 22nd, 2008

Oyayi sa Mundo

Oyayi sa Mundo
Buklod/Noel Cabangon

Sa duyan ng kalawakan
Hayaang maghilom ang mga sugat sa ‘yong dibdib
Na likha ng mga tao

At itigil nang ’sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay

At itigil nang ’sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay

Aking mundo
Ihimlay ang pagal mong katawan

* Pakinggan ang version ni Noel Cabangon sa JoeyAyala.com

Published April 17th, 2008

Populasyon ng Pilipinas: 88,574,614

Umabot na sa 88,574,614 ang mga Pilipino noong Agosto 1, 2007, base sa 2007 Census of Population na isinagawa ng National Statistics Office (NSO).

Ang opisyal na bilang na ito ay pinagtibay ng na nilagdaan ni Gng. Arroyo noong April 16, 2008.

Basahin ang press release ng NSO tungkol dito.