Archive for the ‘Bayani’


Published September 13th, 2005

Pagpapahalaga sa tunay na may halaga

Sinalubong ako kaninang umaga sa opisina ng balitang pumanaw na si Haydee Yorac. Gaya ng mga nakasaad sa mga nauna kong article, si Yorac ay isang ehemplo ng isang totoong lingkod ng bayan. Matapat, malinis, may prinsipyo, may pag-asa at tiwala sa kabataan. At higit sa lahat, si Yorac ay hindi nang-gloria.

Dumulog siya minsan sa ating mga botante, ngunit hindi siya pinahalagahan. Sabi nga ng mga kasama ko sa opisina kanina, ang mga tulad ni Yorac ang dapat mamuno sa ating bansa. Sayang nga lang at hindi nangyayari, hindi na yata mangyayari.

Sadya kayang wala tayong pagpapahala sa tunay na mahalaga?

Published September 13th, 2005

Haydee Yorac, isang inspirasyon

(Ang sanaysay na ito ay unang nalathala sa Pinoy Gazette at ipinost sa ederic@cyberspace noong October 13, 2004 @ 08:06. Muli itong inilalathala bilang pag-alaala kay Haydee Yorac.)

Haydee Yorac photo from RMAFMay mga nagsasabing habang nagkakagulang daw ang isang tao, unti-unti ring nawawala ang kanyang ideyalismo. Maaaring totoo iyan sa karamihan. Pero hindi sa ilan, tulad ni Haydee Yorac, tagapangulo ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) mula 2001 at Ramon Magsaysay Awardee for Government Service ngayong taon.

Noong Sabado, napanood ko ang ilang bahagi ng panayam sa kanya sa CNN Talk Asia. Ikinuwento niya kung paano siya nakapanghatak ng mga kabataang abogado mula sa UP College of Law na karamiha’y mga dati niyang estudyante. Natuwa at pinanindigan pa nga ako ng balahibo nang sabihin niyang naniniwala siyang hindi siya nag-iisa sa kanyang ideyalismo at kailanma’y di siya nawalan ng pag-asa. (more…)

Published June 28th, 2005

Jaime Cardinal Sin

Inilibing na kanina si Jaime Cardinal Sin. Siguro hindi tayo masasanay sa katotohanang wala na siya sa mundong ito. Tulad ng maraming mga dakilang tao na dumaan sa ating kapanahunan, mananatiling buhay si Cardinal Sin sa ating alaala at kasaysayan.

Nakasama siya ng ating mga magulang sa paglaban sa diktaduryang Marcos at sinunod ang kanyang panawagan sa EDSA People Power Revolution. Naroon din siya sa ating mga matsa sa Mendiola laban sa Cha-cha noong panahon ni Pangulong Ramos, at pagkatapos ay laban sa Concord ni Pangulong Estrada. Tinawag niya tayo papuntang EDSA Shrine noong People Power 2–pero ‘di niya tayo sinamahan sa Mendiola. (more…)

Published February 25th, 2004

Parangal kina Diokno at Aquino

Bilang parangal kay Jose Diokno, idineklara ni Pangulong Arroyo ang Pebrero 27, ika-17 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Jose W. Diokno, na “a day of national remembering.”

“In Proclamation 558 signed Tuesday by Executive Secretary Alberto Romulo, the President cited the late jurist, nationalist and statesman for his steadfast struggle against the Marcos dictatorship and his valiant fight for the preservation of the country’s democratic institutions,” ayon sa ulat ng Gov.ph, ang opisyal na portal ng Republika ng Pilipinas.

Ayon naman sa INQ7, nilagdaan ngayon ni Arroyo ang isang batas na nagdedeklara kay Benigno Aquino bilang isang pambansang bayani.
(more…)