Published April 30th, 2007
Mga isla ng Pinas, ibinebenta?
“PHILIPPINE ISLANDS FOR SALE!”
I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-30 ng Abril, 2007
Binubuo ng 7,107 na isla ang Pilipinas, mumunting mga pulong maikukumpara sa pinakamagagandang isla sa buong mundo. Pero akalain mo bang kung meron kang 20 million piso, puwede ka nang bumili ng isang malaki-laking isla sa Palawan?!
Sa dokumentaryong ito, sisiyasatin ni Sandra Aguinaldo ang talamak na bentahan ng mga isla sa Palawan at ang epekto nito sa mga residenteng katutubo ng nasabing probinsya.
Makikilala ni Sandra ang mga tao sa likod ng isang website na nagbebenta ng isla sa mga dayuhang investor. Bagamat ipinagbabawal ito sa batas, nakasaad sa website ang mga paraan para makabili ng isla sa Pinas ang isang dayuhan! (more…)








