Archive for the ‘Wika at Kultura’


Published August 23rd, 2007

Bahala na

Sabi ko kay Aileen kahapon, baka mas bagay ang “Bahala na” sa halip na “Sinusuwerte ako” sa pangalawang button sa Google Pilipinas homepage.

Ganito ang paliwanag ng Google tungkol sa “I’m Feeling Lucky”:

Google has a function, “I’m Feeling Lucky” that presents a particular translation challenge. The function takes the user immediately to the first result for a search — so, a user selects “I’m Feeling Lucky” when they are willing to take a chance that Google’s first result will be what they are looking for. The phrase in English has a specific tone — daring, confident, and playful. This has been a hard phrase for people to translate. If you can’t come up with a way to translate this phrase while preserving its tone just leave it in English.

(more…)

Published February 8th, 2007

Talanding panahon

Sa amin sa Marinduque, naririnig ko ang mga salitang “talanding panahon”. Ang “talandi” ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong–kadalasa’y babae– maharot. Kung sa Tagalog dito sa lungsod, ang kasingkahulugan nito ay malandi.

Kaya ang “Yano ka, ee. Napakatalandi mo baya!” sa amin ay maisasalin bilang “Grabe ka! Ang landi-landi mo talaga!”

Ang nakakaaliw, ang salitang talandi ay maaari ring ikabit sa panahon. Ang pabagu-bagong panahon–gaya ng bigla at magkasunod na pag-araw at pag-ulan ay “talanding panahon.” (more…)

Published May 23rd, 2005

Disenyong Pilipino

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disensyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan. (more…)

Published May 21st, 2005

Reaksiyon sa “Anything but Filipino”

Ganito ang isinulat ngayong araw na ito ni Rogelio B. Cruz sa kolum na Young Blood sa Inquirer:

In this age when the world more than ever values cultural diversity, only we Filipinos spend time to perfect our twangs. While every other nation strives to preserve its identity, we willingly — perhaps even proudly — throw our own language into the crematorium, hoping that the sacrifice will deliver us from economic hardship. It is high time we stopped to think very carefully if our language policy of auto-genocide is really going to bring us where we want to be.

Sa simula ng kanyang article, ikinuwento ni Rogelio ang pagkakasaksi niya sa pagpupumilit ng maraming Pilipinong tambay sa Starbucks na maging tunog-dayuhan sa kanilang pagsasalita. Siya raw ang nahihiya para sa mga trying hard o TH na kababayan natin. (more…)