Mag-ingat sa Philippine Anti-Drug Support Group, Inc.
Katatapos ko lang makipag-usap, at pinagbagsakan ako ng telepono ng isang nagpakilalang Dir. Pablo Cagasa ng Philippine Anti-Drug Support Group Incorporated.
Unang kumausap sa akin ang isang tila assistant mula raw sa kanyang opisina, hinahanap ang isang Aderic Eder. Nang makausap ko na siya, sa kanyang paliguy-ligoy na pananalita, kinumusta niya ako at ang aking negosyo. Sinabi niyang ang kanilang grupo raw ay isang NGO na pinopondohan ng mga donasyon. Sa local government unit at Bureau of Internal Revenue raw nila nakuha ang details ko. Nais daw nila akong imbitahan sa kanilang founding anniversary sa Kowloon House dito sa Quezon City at baka raw ako gawing guest speaker.
Bakit kako? Sa anong kapasidad kako nila ako gustong imbitahan?
Hindi niya masagot nang mahusay ang tanong ko, at sa halip ay sinasabing di raw compulsary at mandatory ang kanilang imbitasyon. Inulit ko ang tanong ko at sinabi kong kaya ba akong iniimbitahan ay dahil nagtatatrabaho ako sa (sinabi ko ang pangalan ng estasyon ng telebisyong pinagtatrabahuhan ko]?
Medyo napikon na ako at diretsahan ko na siyang tinanong: Ano kako ang kailangan nila sa akin? Paliguy-ligoy pa rin siya.
Nag-Google ako, at nakita ko ang report na ito sa UNTV:
Fake PDEA carolers, gagala na sa holiday season
Muling nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagiikot ng dalawang grupong nagpapakilalang Accredited Members ng ahensya.
Ang mga ito’y nagiisyu ng pekeng Accreditation card – kapalit ng donasyon para umano sa raffle ng PDEA.
Nilinaw ni PDEA Dir. Dionisio Santiago na hindi kailanman naging konektado sa kanilang grupo ang Citizen Anti-drug Action Group at Philippine Anti-drug Support Group Inc.
Ang dalawang pangkat na ito ay lantarang lumalapit sa mga negosyante at ginagamit ang pangalan ng PDEA para manghingi ng regalo at pera. UNTVweb.com
Sinabi ko ito sa kanya, at kako’y hihingan din ba nila ako ng donasyon? Wala raw siyang sinabing ganoon. Kinamamayaan ay pinagbagsakan na niya ako ng telepono.
Ano kaya ang tunay na layunin ng mga taong ito? Mag-ingat sana tayo at huwag papadala sa mga ganitong callers.
Related Entries:









April 10th, 2008 at 8:43 pm
Hmm…may kahalintulad din akong karansan, sa isang kilalang kumpanya ng insurance naman at sinasabing nanalo daw ako ng “accident insurance plan.” Ito raw ay bahagi ng selebrasyon ng kanilang anibersaryo.
Ma-iblog nga rin ang kwento kong iyon.
jhay’s last blog post..Flickr Videos: Twitter in motion?
April 11th, 2008 at 11:09 pm
hala… katakot naman yan parang stalkers.
aajao’s last blog post..samu’t-sari
April 12th, 2008 at 4:15 pm
mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat… marami yang mga kampon ng kasamaan ng nagkalat sa lipunan ngayon… wala namang maloloko kung walang magpapaloko… ahehe! yun lang po!
bleue’s last blog post..Samal Island
September 10th, 2008 at 5:51 pm
just got the same call from CADAG.
what they want? money!
check out pdea’s website.
but in fairness, they are convincing huh…
January 10th, 2009 at 10:04 am
I just want to share the same experience. Buti nalang online ako sa internet nung nasagot ko tawag nitong Atty. ang pagpapakilala at sinabi nga na taga anti drug support group sya at sinabi nga ang support na hinihingi sa akin. Pinasa nya ako sa director nila pero sinabi ko nga na wala ako trabaho para nalang matapos na ang paligoy ligoy at panlilinlang nila. Habang kausap ko, nag google ako tungkol sa anti drug support group at ito nga, nabasa ko na mukhang manloloko lang sila. Nagtaka lang ako na alam nila pangalan ko at nag name drop pa kay mon ilagan at ang bayan ng rizal. So i assume na alam nya kung taga asan ako. Anyway, ingat kayo at baka kayo rin ang matawagan.
May 16th, 2009 at 7:01 pm
mag iingat talaga tayo sa mga taong gustong kumita sa masamang paraan. kahit mangloko ay gagawin para lang magkapera..nakakaawa naman ang mga taong yan.. nangyari din yan sa sister in law ko dito sa cagayan de oro city.. cguro nga talagang naghahanap sila ng mga taong alam nilang maykaya.. pero cguro din ginamit ako ng diyos para ma search ko dito sa google ang tungkol sa grupong philippine anti drug support group, inc kuno..kaya lang mga igan mukhang hindi kayo successful sa mga masamang plano nyo kasi hindi pinahintulot ng aming mahal na patron na st. agustin na maloko at ma denggoy mo ang pamilya ng sister in law ko.. sana maghanap kayo ng trabaho at kumita sa mabuti at patas na paraan..ito’y babala sa ating lahat na bago tayo maniwala at magtiwala ay siguraduhin muna natin na totoo at hindi mangloloko ang makilala at lumapit sa atin.. sa inyo na sabi ay kasama sa grupong yan, sana ay tamaan kayo ng karma..
May 16th, 2009 at 8:07 pm
bakit naman ang mga officials ng PDEA ay nagbibigay babala sa mga tao pero walang ginagawa para matigil na ang pangloloko ng mga yan?? bakit naman po ganun? sana ay bigyang aksyon at hindi lang puro satsat!!!
June 24th, 2009 at 3:58 pm
The same group approached me last April. Nagbebenta ng tickets worth 5K- 10K each. Gusto nila 5-10 tickets pa ang kukunin ko. I left them for a while to phone a friend who happens to be a general at the PNP. He told me na wala raw ganung grupo sa PNP. In fact, bawal daw sa kanila ang mag-solicit. Gawa-gawa daw ito ng mga dismissed personnel at undesirable retired police. Medyo nagtagal kami na nag-usap ng friend kong general kaya nakahalata siguro yung mga yun na tumatawag ako kung kanino kaya walang paalam na umalis sa bahay ko. I was relieved! May baril pa na dala-dala ang isa sa kanila; ewan ko lang kung tunay na baril yun na tila .45 caliber pa. Mag-ingat po tayo! Pag nagpakilalang pulis, hwag lalo papasukin sa loob ng bahay. Baka pulis-pulisan lang!
June 30th, 2009 at 3:03 pm
May kakatawag lang sa akin na nagpakilalang Col at tila alalay din sya at ipinasa sa nagpakilalang Col Romeo Billo of Philippine Anti-Drug Support Group. 25,thousand daw ang isang ticket. kako wala akong ganung pera at itatawag ko muna sa crame kung may ganun nga talaga. Binigay pa sa akin ang address at telephone number nila eto. 4371578 at Office daw nila sa Rm 203 Bayan Bldg. Edsa Q.C. Pag tumawag sa inyo ang mga walanghiya na to itawag nyo agad sa PDEA CRU (Complaint Reaction Unit) Look for agent Estanda Tel no. 4804013
July 2nd, 2009 at 11:49 am
Pinadalhan din ang asawa ko ng grupong ito at ang address ay sa New York Cubao na. Isang Atty. Mendoza at Col ang magkasunod na nagfollow up ng kanilang pinadalang sulat. Dahil ako ang nakasagot nag usisa ako kung para saan ang sulat pero ang asawa ko ang pilit na hinanap. Nag usap sila at sa hapon ay pupunta raw sila. Kaya pala may donation ticket worth 5k silang kukubrahin. Ang kakapal ng mukha! Parang napupulot lang ang pera!